Nakapapahamak ang Paniniwala sa
Bulaang Ebanghelyo
(The Fatal Error of Believing a False Gospel)
Ang dahilan kung bakit nakapapahamak na pagkakamali para sa isang tao ang hindi sumampalataya sa mga pangunahing katotohan ng Ebanghelyo (na tulad ng ultimong karapatan ng Diyos na maghirang na batay lamang sa biyaya at kalooban ng Diyos, ang ginawang katubusan ng Panginoong Jesu-Cristo para sa hinirang, ang katiyakan ng kaligtasan ng mga taong hinirang ng Diyos na pinag-ukulan ng kamatayan ni Cristo, at maliban na ang isang tao’y maituring sa kanya ang katuwiran ni Cristo hindi siya maliligtas) ay ang hindi maniwala sa mga katotohanang ito, o mag-alinlangan man sa mga ito, ay nagpapakita na siya’y naniniwala sa ibang bagay maliban sa Katotohanan ng Diyos, na natural lamang na salungat sa Kanyang katotohanan. Anuman ang hindi galing sa Diyos ay laban din iyon sa Kanya at sa Kanyang sinabi. Ang isang tao na naniniwala sa mga hindi sinabi ng Diyos ay nasa kadiliman o kamangmangan pa, na sa mga ito mismo sinagip ang mga taong niligtas. Ang hindi maniwala o mag-alinlangan man sa katotohanan ay pareho lamang, hindi ito paniniwala sa katotohanan.
Ang paniniwala sa katotohanan, na nahayag sa katuruan ng Diyos at kung saan bawat mananampalataya’y nananatili (2 Juan 9), ay ang kaibahan ng isang ligtas na nahango mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hangang Kaliwanagan ng Diyos sa isang napapahamak at nananatili sa kadiliman. Ang natural na kalagayan ng tao ay napakaliwanag na itinuturo ng Banal na Kasulatan: “Nagdilim ang kanilang mga pang-unawa, palibhasa’y nahiwalay sa buhay ng Diyos, dahil sa kanilang kamangmangan, dahil sa katigasan ng kanilang mga puso” (Efeso 4:18 tignan din ang Juan 1:5). Ang pusong nadidiliman ay hindi makapagbibigay ng liwanag ng buhay na walang hanggan. Walang sinuman na ipinanganak muli ay nananatili sa kadiliman at kamangmangan sa kung ano ang Ebanghelyo: “…kung may talukbong pa ang aming Ebanghelyo, ito’y doon lang sa napapahamak” (2 Cor. 4:3). Kung ang Ebanghelyo’y nalingid sa kaalaman ng isang tao, hindi niya ito mauunawaan at samakatwid mangmang siya patungkol dito. Ito ay katunayan na siya’y napapahamak, sapagkat hindi ipinahayag ng Diyos ang Kanyang katotohanan sa kanya. Ang katotohanan ng Diyos ay ipinahayag sa Kanyang hinirang, at hindi ibinigay sa iba: “…sa inyo ipinagkaloob na malaman ang mga hiwaga ng kaharian ng langit, ngunit hindi ipinagkaloob sa kanila…ang napahasik naman sa mabuting lupa, ay iyong nakikinig ng salita at nauunawaan ito… ” (Mateo 13:11, 23). Katulad ng pisikal na kapanganakan, ang isang tao’y iniluwal mula sa kadiliman ng sinapupunan, gayun din naman, sa espirituwal na kapanganakan, ang isang tao’y hinango mula sa kadiliman (kamangmangan sa katotohanan) tungo sa kahanga-hangang Kaliwanagan ng Diyos-ang Kanyang Katotohanan. Ang kamangmangan ay isang di mapapasubaliang tanda ng kapahamakan. Ang kamangmangan ay maituturing na isang sinapupunan kung saan ang isang tao’y walang nakukuhang ikabubuhay ngunit siya ay inilabas doon ng bigyan ng kapanganakan ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Katotohanan (Santiago 1:18).
Itinuturo ng Biblia na ang isang tao’y hindi talaga sumasampalataya sa tunay na Cristo habang siya’y mangmang sa kung ‘Sino talaga si Cristo’ at kung ‘Ano ang Kanyang ginawa’. Ang isang tao’y hindi pa ipinapanganak habang siya’y nasa sinapupunan pa gayun din naman ang isang tao’y hindi pa ipinapanganak na muli sa espiritu habang siya’y nasa kamangmangan pa. Matapos lamang niyang marinig ang tungkol sa tunay na Cristo noon lang niya maaaring sabihin na siya’y sumasampalataya sa Kanya. . “Sa kanya’y (Cristo) kayo rin naman ay nagtiwala, MATAPOS ninyong marinig ang Salita ng Katotohanan, ang Ebanghelyo ng inyong kaligtasan: at MATAPOS na kayo ay sumampalataya sa kanya, ay tinatakan ng ipinangakong Espiritu Santo” (Efeso 1:13). Walang alinlangang ipinapakita ng talatang ito na hindi maaaring manampalataya sa tunay na Cristo kapag si Cristo’y hindi nahayag sa kanya sa pamamagitan ng Salita ng Katotohanan-ang Kanyang Katuruan: ang Kanyang Ebanghelyo. Ang tanging pag-asa ng mga makasalanan ay nahayag sa Ebanghelyo ng Diyos: “…dahil sa pag-asa na nakalaan para sa inyo sa langit, na inyong narinig noong una SA SALITA NG KATOTOHANAN-ANG EBANGHELYO” (Colosas 1:5). Ang katiyakan ng kaligtasan ay nakasalalay sa katuruan ng Ebanghelyo at walang sinuman ang maaring maging kalugod-lugod sa Diyos bago niya marinig ang Kanyang Ebanghelyo at maunawaan ang biyaya ng Diyos NA NASA KATOTOHAN (tignan Colosas 1:6 at Mateo 13:23). Ang isang tao’y hindi maaaring maniwala at magtiwala kay Cristo hangga’t marinig niya ang Kanyang Ebanghelyo at walang sinuman ang kinakasihan ng ipinangakong Banal na Espiritu kung hindi pa siya nananampalataya sa tunay na Ebanghelyo na kung saan nahayag si Cristo at ang Kanyang Katuwiran, at tanggihan ang mga kasinungalingang katuruan. (Roma 1:16, 17).
Ang isang tao’y wala pang Pananampalatayang kaloob ng Diyos kung hindi pa siya naniniwala sa iisa, tunay, tanging Ebanghelyong bigay ng Diyos. Siya ay walang tunay na pananampalatayang nakapagliligtas kung siya’y naniniwala na ang isang tao’y ligtas habang siya’y sumasampalataya sa ibang-ebanghelyo, sapagkat ang tunay na pananampalataya ay pagtitiwala lamang sa Tanging Ebanghelyo at paniniwala na iisa lamang Ebanghelyo ang nagsasaad ng Katotohanan at KALIGTASAN. Ito ay maitutulad sa isang tao na maling tinatantiya kung gaano kahaba ang labindalawang pulgada, gayunma’y kanyang iginigiit na ang kanyang tantiya’y pareho rin sa sukat ng talagang ‘ruler’! Walang sinuman ang ligtas habang iginigiit niyang siya’y ligtas bago pa man niya marinig at paniwalaan ang TANGING EBANGHELYO, sapagkat mismong ang Ebanghelyo ng Diyos na inaangkin niyang kanyang pinaniniwalaan ay pinatutunayan na imposibleng magkaroon ng kaligtasan kung walang Ebanghelyo! Ang mga ganung tao’y kadalasa’y ibinabatay ang kanilang kaligtasan sa samut-saring karanasan at pinanghahawakan na ang kanilang pag-aalis bisyo at pagbabagong-buhay ay hindi mapag-aalinlangang ebidensiya ng kanilang kaligtasan kahit na walang Salita ng Diyos na siya lamang nagbibigay ng buhay-ang Ebanghelyo! Isa lamang ang Ebanghelyong kinikilala ng Diyos na Kanya at ng Kanyang hinirang. Ang Ebanghelyo ng Diyos ay di maaaring maging bahagi ng isang taong nagsasabing mahal niya ito ngunit nakikiisa naman sa bulaang ebanghelyo. Isipin mo na lamang kung ikaw ay makasal sa isang tao na iginigiit na makisama rin sa dati niyang kalaguyo!! Kinakailangan na ikaw muna’y patay sa mga bulaang ebanghelyo bago ka maligtas at maki-isa sa Tanging Ebanghelyo. Ang Ebanghelyo ng Diyos ay di maaaring makipamatok sa sinumang naniniwalang siya’y ligtas kahit bago pa man niya marinig at paniwalaan ang Ebanghelyo at sa sinumang hindi magtatakwil sa bulaang ebanghelyo na dati niyang pinaniwalaan. Maihahantulad ito sa pagkakaroon ng dalawang asawa-isang kaso ng bigamyang espirituwal. Gayun din, hindi maaaring maligtas ang taong hindi naniniwala sa Tanging Ebanghelyo at hindi rin maaring maligtas ang nagsasabing ligtas ang sinuman kahit na hindi makarinig at maniwala sa Tanging Ebanghelyo. Sapagkat sinasabi nila (kakaiba sa ipinapahayag ng Ebanghelyo) - na ang isang tao kahit na ignorante sa Ebanghelyo-sinasadya man o hindi- gayun pa man siya’y ligtas. Kung magkaganon ang kanyang kaligtasa’y magiging nakabatay sa kanyang katapatan (sincerity) at ‘tunay na paghahanap sa Diyos’ kaysa sa totoong pag-ibig ng Diyos, na Kanyang ipinapakita sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Ebanghelyo sa Kanyang inililigtas at pagkakaloob ng pananampalataya upang mapaniwalaan ang Ebanghelyo. Anumang ebanghelyo na hindi Tanging Ebanghelyo ay talagang hindi nakapagliligtas. “Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; ngunit ang hindi sumasampalataya ay parurusahan” (Marcos 16:16).
Wala nang iba pang paraan ng kaligtasan para sa mga naniniwala sa maling turo tungkol kay Cristo. Ni walang posibilidad na kahit sinong hinirang ng Diyos ay hindi mananalig sa kabuoan ng Kanyang Ebanghelyo. Isang upahang ‘pastor’ ang nagsabi na hindi niya alam kung hanggang ilang kamalian ang nais ng Diyos sa mga tao. Ang dapat na sagot sa kanya’y: wala kahit isang kamalian ang kukunsintihin ng Diyos, lalung-lalo na ang kamaliang nagbabaluktot sa Ebanghelyo ni Cristo. Hindi kukunsintihin ng Diyos ang kamaliang Kanya ng hinatulan na bulaang ebanghelyong nagsasaad ng ibang cristong ikinaila ng Diyos na Kanyang anak. Ang kamalian ang nagsisira. Ang kamalian ay lebadurang nagpapa-alsa sa buong masa. Hindi makaliligtas sa paghatol ng Diyos ang kamaliang nagpapaalsa sa buong masa (Galatia 5:9). Ang nakapapahamak na kamalian ay ‘yung nagpapabago sa katotohanan at ginagawang kabulaanan ang katotohanan at binabago ang Tanging Ebanghelyo upang maging ibang-ebanghelyo. Walang sinuman ang naliligtas sa pamamagitan ng kamalian o kabulaanan! Ang kalangitan o kaligtasan ay para lamang sa mga nagmamahal sa katotohanan at hindi para sa mga nahuhumaling sa kasinungalingan. Ang mga nananalig sa kabulaanan-ibang-ebanghelyo, ay napakalayo sa kaligtasan bagkus ay nasa ilalim ng napakalakas na pagkalinlang (2 Tesalonica 2:11).
Sa plano ng Diyos na kaligatasan ay walang puwang ang mga nananalig sa kabulaanan, pagkat ang buong layunin ng Kanyang Dakilang Plano ay Katotohanan lamang ang dapat paniwalaan upang ang mga tao’y magkaroon ng kaligtasan. Ang kaalaman tungkol sa Katotohanan ng Diyos ay katuparan ng Kanyang Plano sa kaligtasan ng Kanyang mga hinirang.
Ang pananampalatayang ukol sa kaligtasan ay PALAGING mananalig sa TOTOO at TANGING Ebanghelyo, hindi kailanman sa bulaang ebanghelyo, sapagkat ang pananampalatayang ito’y kaloob ng Diyos(2 Tesalonica 2:13, 14). Ang pananampalatayang hindi galing sa Diyos samakatwid ay hindi nakapagliligtas ay ‘yung paniniwala na ang kaligatasa’y maaring mangyari bago pa man manalig o kahit walang pananalig sa Tanging Ebanghelyo ng Diyos. Ang Pananampalatayang kaloob ng Diyos ay nakatatagpo ng proteksiyon, ginhawa at kaligtasan sa doktrina ni Cristo LAMANG. Ang pananampalatayang nakatatagpo ng proteksiyon, ginhawa at kaligtasan sa anumang paraan maliban sa doktrina ni Cristo lamang ay pananampalatayang hindi galing sa Diyos.